^

Metro

Umbagerong guro ng estudyante tugis

-
Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang high school teacher na umano’y nambugbog sa kanyang estudyante sa loob mismo ng paaralan sa Makati City.

Nakilala ang suspect na si Virgilio Tabbu, 33, may asawa ng 370-A Bernabe St. San Isidro, Pasay City. Sasampahan ito ng kasong child abuse at physical injury.

Ayon sa reklamo ni Roy Flores, 16, ng 2183 Primo Rivera St. Brgy. La Paz, Makati City, naganap ang pambubugbog sa kanya ni Tabbu dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon sa Makati High School sa F. Zobel St. Brgy. Poblacion.

Nabatid na nakulitan ang suspect kay Flores na naging dahilan upang bugbugin ito ng guro.

Sinabi naman ng mga magulang ng biktima na hindi naman umano tama na saktan ng guro ang kanilang anak sa kabila ng kakulitan nito.

Maaari naman umanong ireklamo sa kanila ang ugali ng kanilang anak at sila ang bahalang dumisiplina dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

LA PAZ

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI HIGH SCHOOL

PASAY CITY

PRIMO RIVERA ST. BRGY

ROY FLORES

VIRGILIO TABBU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with