Koreanong lolo nagbigti
March 30, 2003 | 12:00am
Hinihinalang may kaugnayan sa negosyo ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang lolong Koreano makaraang magbigti gamit ang isang nylon cord kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Patay na nang matagpuan ang biktima na kinilalang si Ganang Park, 61, sa kanyang inuupahang bahay sa #54 Florence St., North West , Phase 3, BF Homes, nasabing lungsod.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng Parañaque Police-Criminal Investigation Division, dakong alas-6 ng umaga nang makita ng katulong na si Marianeta Paredes ang biktima habang nakapulupot ang nylon cord sa leeg nito at nakabitin sa kisame sa garahe ng kanilang bahay.
Iniimbestigahan ng pulisya ang tunay na motibo ng pagpapatiwakal ng naturang dayuhan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am