^

Metro

Robin Da Roza binato ng bote ng anak ni Gov. Dy

-
Binato ng bote sa mukha ang aktor na si Robin Daroza ng anak ni Isabela Gov. Benjamin Dy matapos na magselos ang huli sa una dahil sa iisang babae na kanilang nililigawan kahapon ng madaling-araw sa disco bar sa Makati City.

Nagtamo ng sugat at namaga ang mukha ni Daroza, 32, ng Apartment E-2 Ecology Village III Don Bosco St., ng nabanggit na lungsod.

Nakilala naman ang suspect na si Nicolai Dy. Iniulat na kasama ni Dy ang anak ni Senator Panfilo Lacson na si Panfilo Jr.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa loob ng Olive Disco Bar na nasa Makati Avenue, Brgy. Poblacion ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na dumalo ang aktor sa birthday party ng kanyang barkada sa naturang bar na doon naman umiinom ang suspect.

Walang kamalay-malay ang aktor at habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ay biglang binato sa mukha ng isang bote ng beer ng suspect na si Dy.

Dahil dito, nagkaroon ng tensyon sa naturang bar kung kaya’t mabilis umanong umawat si Panfilo Jr.

Bago pa dumating ang mga pulis ay mabilis na umalis sa bar si Dy kasama ang batang Lacson, habang dinala naman sa Makati Med. si Daroza.

Malamang umano na nagselos ang suspect sa aktor ng makita nitong kausap niya ang babaeng dinidiskartihan ng una. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

APARTMENT E

BENJAMIN DY

DAROZA

DON BOSCO ST.

ECOLOGY VILLAGE

ISABELA GOV

LORDETH BONILLA

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

PANFILO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with