Maka-Saddam todas sa maka-Bush
March 29, 2003 | 12:00am
Maging sa bansa ay umabot na ang nagaganap na paglalabanan ng grupong pabor kay US President George Bush at sa grupong pabor naman kay Iraqi President Saddam Hussein.
Kahapon ng madaling-araw isang maka-Saddam ang iniulat na sinaksak at napatay ng kanyang kaibigan na maka-Bush, matapos ang isang mainitang pagtatalo tungkol sa isyu ng giyera.
Patay na nang idating sa New Era General Hospital ang biktima na nakilalang si Edgar Nebrida, alyas Buboy, 29, ng Brgy. Silangan sa Quezon City.
Mabilis namang tumakas ang suspect na si Alejandro Gumarao, alyas Tule, 29.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Cresencio Bajao, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang nag-iinuman ang magkaibigan.
Nagawi ang usapan ng mga ito tungkol sa isyu ng giyera ng Iraq at Amerika.
Hindi umano nagustuhan ng suspect na si Gumarao ang pagsang-ayon ng biktima kay Saddam. Lalo pang nagalit ang suspect ng pagmumurahin umano ng biktima ang kanyang iniidolo na si Bush na inakusahan ni Nebrida na mapagsamantala at abusado.
Dahil dito, pumasok ng bahay ang suspect at sa kanyang paglabas ay dala na nito ang isang kutsilyo na itinarak ng dalawang ulit sa dibdib ng biktima na maka-Saddam. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am