Kidnaper ng paslit, arestado
March 27, 2003 | 12:00am
Nasakote ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang dalawang magkaibigan na kumidnap at nagtangkang magbenta sa isang paslit, makaraang inguso ng kanilang pinagbentahan sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Nakapiit ngayon sa WPD detention cell ang mga suspect na nakilalang sina Edward Mendoza, 27 at Ronald Escobar, 26.
Sa report ng pulisya, naaresto ang mga suspect dakong alas-4 ng madaling araw sa Half Moon Pension House sa 1709 Jeorge Bocobo St., Malate dahil na rin sa sumbong ni Joanne Agustin, ang dapat sanay bibili sa batang biktima.
Sinabi ni Agustin na nagpakilala umano sa kanya ang dalawang suspect sa may Harrison Plaza dala ang paslit na nakilala lamang sa pangalang AJ na isat-kalahating taong gulang.
Sinundan pa umano ng mga suspect si Agustin sa tinutuluyan nitong pension house at pilit na kinukumbinsi ang ginang na bilhin ang bata sa halagang P5,000.
Dahil sa naawa sa paslit, nagpasya si Agustin na nagkunwang bibilhin niya ang bata.
Lingid sa kaalaman ng mga suspect ay tumawag na sa pulisya si Agustin.
Agad namang dumating ang pulis at ipinaaresto ni Agustin ang dalawang kidnaper ng paslit. Nasa pangangalaga naman sa kasalukuyan ng DSWD ang batang kinidnap. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest