^

Metro

Nene hinalay pinatay: Mukha at ari winasak ng suspek

-
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 7-anyos na batang babae na pinaniniwalaang ginahasa muna bago brutal na pinaslang at saka itinapon sa estero ang bangkay ng hindi pa nakikilalang salarin na pinaniniwalaang bangag sa droga sa Mandaluyong City.

Nakilala ang biktima na si Nina Gwanzel Severino, mag-aaral sa Holy Cross Day Care Center at naninirahan sa 1275 Private Road, Barangay Hulo ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay SPO2 Ruperto Martin Sazon, ang bangkay ng paslit na biktima ay narekober dakong alas-7 ng umaga sa isang estero sa may Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Base sa imbestigasyon, ang bata ay inireport na nawawala ng kanyang ama na si Gene Severino nito pang nakalipas na Lunes matapos na hindi na makauwi sa kanilang bahay. Sa pagitan umano ng alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng hapon nawala ang biktima.

Ayon sa ilang kapitbahay bago nawala ang bata, isang estranghero umano ang nakitang kalaro nito. Nakita pa nilang inabutan ng suspect ng kendi ang bata at saka niyayang mamasyal.

Kagagaling lamang umano ng mga magulang ng bata sa pagpapasuri sa pagamutan kaya napabayaan nila ang kanilang anak kung saan hinanap nila ang biktima subalit nabigo silang matagpuan ito.

Kahapon ng umaga ay nadiskubre ang labi ng paslit na may malalim na saksak sa ulo, bukod pa sa wasak ang mukha nito na pinaniniwalaang binagsakan ng mabigat na bagay, tadtad ng pasa sa katawan at wasak ang ari.

Samantala, apat na pedicab drivers ang dinampot ng pulisya at iniimbestigahan kaugnay sa naganap na krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BARANGAY HULO

GENE SEVERINO

HOLY CROSS DAY CARE CENTER

JOY CANTOS

KAGAGALING

MANDALUYONG CITY

NINA GWANZEL SEVERINO

PRIVATE ROAD

RUPERTO MARTIN SAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with