^

Metro

Pamangkin ni Edu Manzano, 1 pa kinasuhan sa ecstacy

-
Kinasuhan kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang umano’y pamangkin ng aktor na si Edu Manzano at kaibigan matapos na mahulihan ng ecstasy tablets sa isang checkpoint na isinagawa ng Central Police District noong nakaraang linggo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 sina Allen Stevenson Co, 30, negosyante, pamangkin umano ng aktor na si Manzano at si Philip Andrei Navarro, 26, ng Parañaque City.

Batay sa imbestigasyon, naaresto ang dalawang suspect noong gabi ng Marso 20 sa panulukan ng N. Domingo St. at Balete St. sa Barangay Horseshoe sa QC sa ‘Oplan Sita’ na isinagawa ng CPD sa naturang lugar.

Ayon sa mga pulis, sinita nila ang isang taxi na may tatlong lalaking pasahero.

Nang lapitan umano ng mga pulis ang taksi, napansin nila na may biglang itinapon sa labas si Co na noon ay nakaupo sa unahan ng taksi.

Nang siyasatin ng pulisya kung ano ang itinapon nito ay napag-alamang sampung tableta ng ecstasy.

Samantalang, nakumpiska naman kay Navarro ang isang plastik na naglalaman ng shabu na tinangka pa nitong itago sa lapag ng taxi.

Inirekomenda naman ang piyansang P200,000 bawat isa para sa pansamantala nilang kalayaan. (Ulat ni Doris Franche)

ALLEN STEVENSON CO

BALETE ST.

BARANGAY HORSESHOE

CENTRAL POLICE DISTRICT

DOMINGO ST.

DORIS FRANCHE

EDU MANZANO

NANG

OPLAN SITA

PHILIP ANDREI NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with