^

Metro

Habambuhay hatol sa Intsik na dawit sa droga

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) sa 63-anyos na Intsik matapos mapatunayang nagkasala sa kasong pagbebenta ng may 995.1 gramo ng shabu sa isang drug bust-operation noong 1998 sa nabanggit na lungsod.

Inatasan din ni QCRTC Judge Jose Catral Mendoza ang akusadong si Antonio Lee na magbayad ng P2 milyon halaga bilang paglabag sa Section 15 Article 3 ng Republic Act 6425.

Bukod dito, sa isa pa ring kaso hinatulan ng korte ang akusado ng walong taong pagkabilanggo at multang P6,000 matapos na namang mahuli ito sa isa pang buy-bust operation ng WPD at nasamsaman ng may 760.1 gramo ng shabu.

Hindi pinaniwalaan ng korte ang alegasyon ni Lee na wala siyang drug deal sa pulisya at mayroon lamang siyang tatagpuing tao sa lugar nang siya ay posasan ng mga pulis na walang warrant of arrest. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

ANTONIO LEE

BUKOD

CRUZ

HABAMBUHAY

INATASAN

INTSIK

JUDGE JOSE CATRAL MENDOZA

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REPUBLIC ACT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with