^

Metro

Pinay DH sa Hong Kong patay sa SARS

-
Isang domestic helper na nakilala lamang sa pangalang Dalingay ay nasawi dahil sa taglay nitong Severe Acute Respiratory Syndrome(SARS) kamakailan.

Nabatid pa sa tinanggap na ulat na ang sakit ni Dalingay ay lumala at nakaramdam ito ng paghihirap sa paghinga matapos siyang ma-confine sa pagamutan noong Marso 19.

Ang labi ng naturang DH ay nananatili sa morgue ng ospital habang hinihintay ang release order buhat sa infectious control unit ng pagamutan, gayundin ang mga papeles para maiuwi ito sa bansa.

Ayon kay Sto. Tomas si Dalingay ang pangalawang Pinay DH na naapektuhan ng SARS sa Hong Kong. Ang una ay si Merita Luzon na ngayon naman ay nasa maayos ng kalagayan.

Bukod dito, napag-alaman pa na may apat pang Filipino nurses sa Singapore ang nahawahan na rin ng killer pneumonia. Umaabot na sa 11 ang mga OFWs na nagtataglay ng naturang sakit.

Binanggit pa nito na ang apat pang mga bagong kaso ng SARS sa Singapore ay pawang mga nagtatrabaho sa Tan Tock Seng Hospital. Sumasailalim na ang mga ito sa masusing paggagamot.(Ulat nina Jhay Mejias at Ellen Fernando)

AYON

BINANGGIT

BUKOD

DALINGAY

ELLEN FERNANDO

HONG KONG

JHAY MEJIAS

MERITA LUZON

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

TAN TOCK SENG HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with