Koleksiyon ng buwis sa NAIA tumaas

Lumampas ng 15.70 porsiyento ang nakolektang buwis ng BOC sa NAIA makaraang umabot sa P2.564 bilyon ang koleksiyon mula sa revenue target na P2.223 bilyon .

Bunga nito, natuwa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa performance ni NAIA district collector Celso Templo matapos na lampasan ang revenue target para sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso.

Ayon kay Templo ,naabot nila ang revenue target dahil na rin sa bagong estratehiya sa pangongolekta ng buwis. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments