Inspection para maibsan ang pagsisikip sa kulungan
March 24, 2003 | 12:00am
Upang maibsan ang pagsisikip ng Parañaque City Jail, magsasagawa ng inspection si Judge Jansen Rodriguez, Executive Judge ng Parañaque City Regional Trial Court sa loob ng kulungan upang madetermina kung sino ang hindi nabibigyan ng tamang hustisya at ilan taon nang hindi nabibistahan.
Ayon kay Rodriguez, ang pagkakabinbin ng mga kaso ng mga bilanggo ay nagdudulot ng pagsisikip ng kulungan lalu pat maraming offenders ang na iko-commit bawat araw sa mga city jails.
Sinabi ni Rodriguez na ang kanilang hakbangin ay batay sa kautusang ipinalabas ng Korte Suprema na bigyan pansin ang mga kaso ng mga bilanggo partikular na ang mga matagal nang nakapiit.
Kaugnay, nito, maging ang Quezon City Jail ay nagsagawa na rin ng kanilang decongestion measure sa pamamagitan ng paggiba sa lahat ng mga tinatawag na kubol at tindahan.
Ayon kay QC Jailwarden Sr. Supt. Gilberto Marpuri, hindi dapat na lagyan pa ng mga kuwarto ang QC Jail dahil maraming preso ang nakakulong dito subalit walang mahigaan bunga ng mga maliliit na kuwartong itinayo.
Aniya, masyado na umanong maliit ang jail para patayuan pa ng mga kuwarto para sa kanilang tinatawag na mayores. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended