55-anyos natusta sa sunog
March 24, 2003 | 12:00am
Isang matandang binata ang nasawi makaraang matusta sa loob ng kanyang silid sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Halos hindi na makilala ang biktima na si Feliciano Pantaleon, 55, ng 2037 Varona St. Tondo makaraang tumagal ng isang oras ang sunog na nagmula sa kanyang silid dakong alas 9 ng umaga.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, hindi na umano nagawa pang magising ng biktima upang maisalba ang sarili.
Aminado din naman ang hipag ng biktima na si Imelda Pantaleon na hindi na nila natulungan si Pantaleon dahil na rin sa malaking apoy na nanggagaling sa kuwarto nito.
Minabuti na lamang nilang unahin na iligtas ang kanyang mga anak at ilang mahahalagang gamit.
Hinihinala ng pulisya na short circuit ang dahilan ng sunog habang naitala naman ng Manila Fire Department na ika-38 na ang naturang sunog sa lungsod sa kabila ng Fire Prevention Month. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended