^

Metro

Killer rewinder: Ginang dedo

-
Isang 37-anyos na ginang ang iniulat na nasawi, samantalang sugatan naman ang kanyang mister at 8-anyos na anak makaraang sumabog ang hiniram nitong VHS rewinder, kamakalawa sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Nenita Lobregado, ng Tabigo St., Brgy. Commonwealth na nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan sanhi ng malakas na pagsabog at patay na nang idating sa East Avenue Medical Center.

Sugatan din ang kanyang mister na si Lemuel, 37 at anak na si Jacel.

Base sa ulat hiniram umano ni Lemuel sa kanilang kapitbahay na nakilalang si Noel Oldina ang naturang VHS rewinder para panoorin ang video tape na ibinigay sa kanya ng kaibigan.

Nabatid na si Nenita ang nagsaksak ng rewinder sa electrical outlet at ilang sandali pa ay narinig na ang malakas na pagsabog nito.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito, habang kinukuwestiyon naman si Oldina tungkol sa pangyayari. (Ulat ni Matthew Estabillo)

vuukle comment

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ISANG

JACEL

LEMUEL

MATTHEW ESTABILLO

NENITA LOBREGADO

NOEL OLDINA

QUEZON CITY

TABIGO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with