^

Metro

40-taon sa 7 Chinese na timbog sa shabu lab

-
Apatnapung taong pagkabilanggo ang ibinabang hatol laban sa pitong Chinese drug traffickers na nadakip sa isinagawang raid sa nadiskubreng shabu laboratory sa San Juan mahigit isang taon na ang nakakaraan.

Kasabay ng ibinabang hatol ni Judge Librado Correa ng Pasig RTC Branch 164, iniutos din nito ang pagdedeport sa mga akusadong sina Cal Xihe, Tian Sang, Cal Dushi, Yan Quizhiong, Lao Chi Diak, King Cheng at Lim Chamou kapag natapos na ang kanilang sentensiya sa bilangguan.

Sa 24 na pahinang desisyon na ipinalabas ni Correa, binalewala nito ang depensa ng mga akusadong dayuhan na na-frame-up lamang sila ng mga pulis na umaresto sa kanila.

Binigyang halaga ni Correa ang testimonya ng mga arresting officers na positibong kumilala sa pitong akusado na nahuli sa loob ng ni-raid na shabu laboratory.

Base sa rekord ng korte, niraid ng mga elemento ng PNP-Anti Narcotics Group ang isang bahay sa 93 Araullo sa panulukan ng Montessori St., Barangay Addition Hills sa San Juan na dito nasamsam ang mga kagamitan at kemikal na ginagamit sa pagmamanupaktura ng shabu noong nakalipas na Enero 2, 2002.

Tinatayang aabot sa 200 kilo ng ephedrine o 812.8 gramo ng shabu ang nakumpiska.

Nagpahayag naman nang pagkadismaya ang Crusade Against Violence (CAV) sa pangunguna ni Dante Jimenez sa naging hatol matapos na makalusot ang mga dayuhan sa parusang bitay.

Nabatid na nakalusot sa bitay ang mga dayuhan dahilan nilitis ang kanilang kaso sa ilalim ng paglabag sa RA 6425 o ang Anti-Dangerous Drugs Act at hindi sa kasalukuyang inamyendahang bersyon ng Comprehensive Drugs Act o 2002 na nagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang makukumpiskahan ng 50 gramo ng shabu pataas.(Ulat ni Joy Cantos)

ANTI NARCOTICS GROUP

BARANGAY ADDITION HILLS

CAL DUSHI

CAL XIHE

CORREA

CRUSADE AGAINST VIOLENCE

DANTE JIMENEZ

DRUGS ACT

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with