^

Metro

Obrero hulog sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali, patay

-
Isang construction worker ang nasawi makaraang mahulog mula sa ika-3 palapag ng gusali na kanyang pinagtatrabahuhan, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Patay na nang idating sa Makati Medical Center ang biktima na si Richard Fuentes, ng OCM Builder Steel Corporation at naninirahan sa Bagong Silang, Caloocan City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang trahedya dakong alas-3:30 ng hapon sa Wilcom Builder Corp. na matatagpuan sa Pasong Tamo St., Makati City.

Nabatid na abala ang biktima at kanyang mga kasamahan sa pag-aakyat ng yero sa ikatlong palapag ng gusali mula sa ibaba nang bigla itong mawalan ng panimbang ay nakabitiw sa kinakapitan na bakal hanggang sa tuluyang mahulog sa ground floor.

Mabilis itong isinugod sa ospital subalit hindi na umabot pang buhay.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BAGONG SILANG

BATAY

BUILDER STEEL CORPORATION

CALOOCAN CITY

ISANG

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

PASONG TAMO ST.

RICHARD FUENTES

WILCOM BUILDER CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with