^

Metro

Buong puwersa ng CPD-DEU sinibak dahil sa katiwalian

-
Sinibak kahapon ni Central Police District (CPD) Director Senior Supt. Napoleon Castro ang buong puwersa ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng lungsod dahil sa umano’y nagaganap na ‘katiwalian’ sa nasabing departamento.

Ayon kay Castro, napakarami na umano siyang natatanggap na reklamo hinggil sa umano’y ‘extortion activities’ ng mga tauhan ng DEU sa kanilang mga nahuhuling suspect.

Sa kasalukuyan ay ililipat muna sa Taguig, Bicutan upang mahanay sa ‘utility squad’ sina Supt. Allan Pareno, hepe ng DEU, kasama ang 24 niyang mga tauhan habang inihahanda ang kasong administratibo laban sa mga ito.

Kamakalawa ng hapon ay dinis-armahan ni Castro ang mga tauhan ng DEU makaraang mabisto nito ang kanilang mga masasamang gawain.

Ayon kay Castro, isang notoryosong drug pusher sa Proj. 8, Quezon City ang nadakip ng DEU at agad niya umanong ipinaalam sa kanyang mga tauhan na alam na niya ang nasabing operasyon.

Subalit nakarating umano sa kanya ang ulat na hinihingan umano ng mga pulis-DEU ng salapi ang suspect kapalit ng kalayaan ng mga ito at iatras ang kaso laban sa kanila.

Sinabi pa ni Castro na ang pagpapalit ng pamunuan ng DEU ay dahilan na rin sa hindi na makontrol ni Pareno ang mga tauhan nito sa talamak na ‘ayusan’ o ‘lagayan’ sa mga nahuling drug user at pusher sa nasabing departamento. (Ulat ni Doris Franche)

ALLAN PARENO

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT

DEU

DIRECTOR SENIOR SUPT

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT UNIT

NAPOLEON CASTRO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with