Mayor Tsong nagpiyansa na sa Sandiganbayan
March 19, 2003 | 12:00am
Upang maiwasan ang pagkaaresto, nagbayad na kahapon ng piyansa si Parañaque Mayor Joey Marquez sa Sandiganbayan kaugnay sa kasong estafa at katiwalian na nakasampa laban sa kanya.
Kasama rin ni Marquez sa pagpipiyansa sina Rolando Magno, co-chairman ng city school board at Mar Jimenez, executive assistant to the office of the city mayor.
Nabigo namang nakapunta sa Sandiganbayan si Antonette Antonio, assistant to the office of the city mayor.
Ang bawat isa sa mga akusado ay nagbayad ng P70,000 para sa dalawang kaso at kinunan din sila ng mga mug-shots at fingerprints bilang bahagi na rin ng proseso.
Lumagda din si Marquez ng kani-kanilang waiver of appearance kung saan sakaling tumakas sila palabas ng bansa ay agad silang aarestuhin ng korte.
Ang kaso ay kaugnay sa hindi umano pagbabayad ng mga akusado sa textbooks na nagkakahalaga ng P6.4 milyon na binili mula kay Lizabeth Carreon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am