Away sa trapik: Trader binoga, patay
March 19, 2003 | 12:00am
Isa na namang negosyante ang binaril at napatay ng isang lalaki na nakabanggaan nito ng sasakyan, kahapon ng madaling- araw sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na si Cecilio Camba, 42, tubong Pangasinan, dealer ng manok at naninirahan sa Concepcion St. Tondo, Maynila.
Si Camba ay hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib.
Samantala, tinutugis naman si Julius, 27, ng 1128 Laguna Ext. Tondo at ang hindi nakikilalang kasamahan nito na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang pamamaril.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa panulukan ng Jose Abad Santos at Antipolo Sts. sa nabanggit na lugar.
Nabatid na lulan ang biktima at ang kasamahan nitong si Neil Asuncion sa kanilang Ford Fierra na may plakang LAT 302 nang mabangga ng suspect na nakasakay naman sa scooter na walang plaka.
Dahil dito, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspect at ilang saglit pa ay umalis ang huli subalit sa pagbalik nito ay armado na ng hindi mabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing binaril ang biktima.
Halos ganito din ang nangyaring pagpaslang sa Ateneo Law graduate na si Jay Llamas na binaril din ng isang naka-motorsiklo dahil lamang sa away sa trapiko. (Ulat ni Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest