1 pang biktima ng salvage natagpuan

Isa na namang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang nakasilid sa isang sako, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Ang biktima ay tinatayang nasa gulang 25-35 , may taas na 5’6 talampakan, malaki ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants at naka-tsinelas na kulay asul.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote na matatagpuan sa Hulo St., Barangay Bignay ng nasabing lungsod.

Hinihinala ng pulisya na ang di-nakikilalang biktima ay sa ibang lugar pinaslang at itinapon na lamang sa pinagkakitaang lugar para iligaw ang mga awtoridad sa isasagawang imbestigasyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments