^

Metro

Welder napatripan sa rambol, tinodas

-
Sa pag-aakalang kasama sa rambol, isang welder ang tinadtad ng saksak ng grupong sangkot sa gulo kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Quirino Labor Hospital ang biktima na nakilalang si Mar de Luna, 32, may asawa at residente ng Josephine Subdivision, Antipolo, Rizal.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO4 Dominador Espiritu ng Central Police District-Criminal Investigation Unit, naglalakad si de Luna dakong alas-12:10 ng madaling-araw sa Arayat St. sa Cubao, Q.C.

Hindi inakala ni de Luna na pagsapit niya sa tapat ng Partas Bus Terminal sa Aurora Blvd. ay may nagaganap na rambulan ng mga kalalakihan.

Inakala ng mga nagrarambulan na kasama si de Luna kung kaya’t agad itong inundayan ng saksak ng 2 hanggang 3 kalalakihan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa kabila ng pagmamaka-awa ng biktima, hindi pa rin ito tinantanan ng mga suspect na ngayo’y pinaghahanap ng pulisya. (ULat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARAYAT ST.

AURORA BLVD

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CUBAO

DOMINADOR ESPIRITU

DORIS FRANCHE

JOSEPHINE SUBDIVISION

PARTAS BUS TERMINAL

QUEZON CITY

QUIRINO LABOR HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with