^

Metro

'Floating bomb' pinayagang mag-operate

-
Sa kabila ng naunang desisyon ng ilang shipping expert na pigilan ang operasyon ng MV Golden Swan na isang Landing Craft Vessel (LCV), pinayagan naman ito ng bagong administrasyon ng Maritime Industrial Authority (MARINA) matapos na umano’y sapilitang i-convert sa Liquified Gas Carrier (LGC) kahit na walang kaukulang vessel plan.

Nabatid na una nang pinigilan ang operasyon ng naturang barko na tinaguriang "floating bomb" noong Pebrero 22, 2002 dahil na rin sa kawalan ng kakayahan nito na magdeliver ng maramihang kemikal.

Ayon sa rekord, noong nakalipas na Disyembre 20, 2002 matapos ang ilang pagdinig sa kaso ng MV Golden Swan, pinayagan ni Transportation and Communication Secretary Leandro Mendoza ang pamunuan ng barko na mag-operate o magdala ng kemikal subalit sa "package form" lamang at hindi "bulk" dahil kailangan pa ring matiyak ang kaligtasan ng nasabing barko sa pamamagitan isang technical team.

Subalit sa resulta ng pagsisiyasat, inirekomenda ng technical team na kailangan na munang pumasa sa standards ng International Gas Carrier Code ang barko bago tuluyang magkapag-operate. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

GOLDEN SWAN

INTERNATIONAL GAS CARRIER CODE

LANDING CRAFT VESSEL

LIQUIFIED GAS CARRIER

MARITIME INDUSTRIAL AUTHORITY

NABATID

TRANSPORTATION AND COMMUNICATION SECRETARY LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with