^

Metro

Utak sa isa pang pyramid scheme nasakote

-
Nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang sinasabing utak ng MMG pyramiding scam na si Eng. Ervin Mateo habang papalabas ng bahay kahapon ng umaga sa Blumentritt, Maynila.

Ayon sa report, si Mateo ay naaresto ng mga tauhan ng CIDG dakong alas-9:30 ng umaga sa 2609 P. Guevarra Ext. Maynila matapos ang magdamag na pagbabantay ng mga awtoridad.

Nabatid na may pending warrant of arrest si Mateo at ang asawa nito na si Evelyn Mateo sa iba’t ibang korte sa kasong estafa bukod pa sa ipinalabas na warrant ng Senate Committee on Trade and Commerce na pinamumunuan ni Senator Robert Jaworski matapos na mabigong dumalo sa pagdinig.

Inaasahan naman ni Jaworski na dadalhin ng CIDG si Mateo sa senado upang iharap sa kanyang komite kaugnay ng pyramid scam.

Posibleng magkasama sa holding room ng Office of the Senate Sergeant at Arms sina Mateo at Rosario Baladjay ng Multitel habang hinihintay ang susunod na pagdinig sa Miyerkules.

Naunang ng naaresto si Baladjay sa Pangasinan noong Martes ng gabi dahil sa warrrant na ipinalabas ng senado kaugnay ng hindi nito pagdalo sa pagdinig ng komite tungkol sa pyramid scam. (Ulat ni Rudy Andal)

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ERVIN MATEO

EVELYN MATEO

GUEVARRA EXT

MATEO

MAYNILA

OFFICE OF THE SENATE SERGEANT

ROSARIO BALADJAY

RUDY ANDAL

SENATE COMMITTEE

SENATOR ROBERT JAWORSKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with