^

Metro

Holdaper patay sa shootout

-
Isang holdaper ang napatay samantalang isa pa ang pinaniniwalaang malubhang nasugatan at nakatakas matapos na makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Mobil Patrol ng Central Police District kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Batay sa ulat na tinanggap ni CPD director Sr. Supt. Napoleon Castro, ang napatay na suspect ay may taas na 5’8’’, nasa edad na 25-30, nakasuot ng striped T-shirt at jogging pants, kalbo at balingkinitan ang pangangatawan.

Samantalang ang kasamahan nito na sugatan ay mabilis na nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng CPD-Criminal Investigation Unit, alas-7:15 kamakalawa ng gabi nang maganap ang engkuwentro sa tapat ng Nuclear Research Institute sa kahabaan ng Commonwealth Ave. ng nabanggit na lungsod.

Nauna rito, nagsagawa muna ng holdap ang mga suspect sa isang pampasaherong jeep sa Commonwealth Avenue na nakaparada sa talahiban.

Namataan ito ng mga nagpapatrolyang tauhan ng Mobil Patrol kung kaya’t nilapitan at sinita.

Sa halip na sumuko ay bigla na lamang nagpaputok ang napatay na suspect samantalang tumakas naman ang isa pa.

Dahil dito, agad na gumanti ng putok ang mga tauhan ng Mobil Patrol at napatay ang suspect.

Nakuha sa suspect ang isang cellphone at 38 caliber revolver. (Ulat ni Doris Franche)

CENTRAL POLICE DISTRICT

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

MOBIL PATROL

NAPOLEON CASTRO

NUCLEAR RESEARCH INSTITUTE

QUEZON CITY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with