^

Metro

Lupa ng UP iimbestigahan ng Kongreso

-
Sinimulan na ng House Committee on Justice ang imbestigasyon kaugnay sa pinag-aagawang lupa na kinatatayuan ng University of the Philippines, Diliman.

Ang imbestigasyon ay kaugnay sa inihaing House Resolution 990 ni Bohol Rep. Eladio "Boy" Jala na humihiling na imbestigahan ang diumano’y maanomalyang pagpapatitulo ng lupa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Itinuon ng komite ang imbestigasyon sa UP Diliman dahil sa iba’t ibang kasong nakahain sa korte kung saan pinag-aagawan ang ownership ng lupang kinatatayuan ng unibersidad.

Sinabi ni Palawan Rep. Vicente Sandoval na ilang indibidwal na ang nagpakita ng titulong nagsasabi na sila ang may-ari ng lupa ng UP Diliman.

Idinagdag pa ni Sandoval na dapat imbestigahan ang batas kaugnay sa kasalukuyang registration system sa bansa upang hindi na maulit ang anomalya.

Ibinunyag din nito na ilang ‘reliable source’ na ang nagsabi sa kanyang may indikasyon na nakikipagsabwatan ang ilang opisyal ng UP sa ilang claimants kaya nalalagay sa alanganin ang lupa ng UP na pinaniniwalaang pag-aari ng pamahalaan.

Ipapatawag din ng komite sa mga susunod nilang pagdinig ang ilang opisyal ng UP at Register of Deeds sa Quezon City upang malinawan ang isyu hinggil sa napakaraming claimants ng UP. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BOHOL REP

DILIMAN

HOUSE COMMITTEE

HOUSE RESOLUTION

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

PALAWAN REP

QUEZON CITY

REGISTER OF DEEDS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

VICENTE SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with