6 Chinese timbog sa pekeng travel documents
March 15, 2003 | 12:00am
Anim na Chinese nationals na kinabibilangan ng isang pinaghihinalaang courier ng human smuggling syndicate ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang tangkaing umalis patungong Seoul, South Korea tangan ang mga pekeng travel documents.
Sa ulat na tinanggap ni BI Commissioner Andrea Domingo, ang mga pasahero ay nakilalang sina Pung Wing Tat, sinasabing courier ng sindikato at nagsilbing escort nina He Zuxing, He Quien, He Xiuzhong, Lin Gingai at Zhang Xidi, pawang taga-China. Ang mga pasahero ay nasakote sa departure area kamakalawa ng gabi habang naghihintay na makasakay sa Korean Air Lines flight KF 634 patungong Seoul.
Nabatid na dumating sa Pilipinas ang mga nadakip noong miyerkules ng gabi sakay ng Philippine Airlines mula Hong Kong. Habang nasa Maynila ay ibinigay sa kanila ni Tat ang kanilang mga pasaporte na may tatak na pekeng Korean visa. Nabatid na balak magtrabaho ng mga dayuhan sa Korea. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest