^

Metro

Big time drug trafficker, pinalaya ng QC judge

-
Sa ikalawang pagkakataon muling iniligtas sa posibleng parusang kamatayan ng isang kontrobersiyal na huwes sa QCRTC ang isang Chinese national na nahaharap sa kasong drug trafficking makaraang payagan nitong makapagpiyansa.

Inihayag kahapon ni Dangerous Drug Board (DDB) chairman at DILG Secretary Joey Lina ang kanyang panlulumo sa desisyon ni Judge Emilio Leachon Jr. ng RTC Branch 224 sa pagpapalaya kay Juanito Chan.

Binigyan ni Leachon si Chan ng pagkakataong makalaya nang payagan nitong makapagpiyansa ng P100,000. Nabatid na nakalabas na sa Quezon City Jail si Chan noong nakaraang Marso 7.

Sa rekord ng korte, nadakip ng mga elemento ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force si Chan noong nakalipas na Abril 23, 1999 sa isang buy-bust operation sa Timog, Quezon City kung saan nakumpiska sa kanya ang may 935.18 gramo ng shabu.

Ikinatuwiran naman ni Judge Leachon na isang frame-up lamang ang buy-bust dahil sa pagkabigo ng mga operatiba na lagyan ng fluorescent powder ang buy-bust money dahil dito’y nabigong makakuha ng fingerprint ni Chan sa kahon na lalagyan ng shabu at paghawak ng mga operatiba sa kahon na walang gloves. Ito ang ikalawang pagkakataon na pinalaya ni Leachon ang mga dayuhang sangkot sa kaso ng droga.

Magugunitang naging kontrobersiyal ang naturang huwes nang palayain ang pitong Chinese nationals na nadakip sa isinagawang raid sa shabu laboratory sa Quezon City dahil sa teknikalidad. (Ulat ni Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DRUG BOARD

JUANITO CHAN

JUDGE EMILIO LEACHON JR.

JUDGE LEACHON

LEACHON

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

QUEZON CITY

QUEZON CITY JAIL

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with