^

Metro

Pulis patay sa mga holdaper

-
Isang bagitong pulis ang nasawi makaraang makipagbarilan sa limang holdaper na pinaniniwalaang miyembro ng ‘Resto gang’ na nagresulta rin sa pagkasawi ng dalawa sa mga ito makaraang looban ang isang mini-mart sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din ang pulis na si PO1 Aristotle Tacata, ng Makati City police sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantalang inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng dalawang nasawing suspect na nabaril ng biktimang pulis. Mabilis namang nakatakas ang tatlo pang kasamahan ng mga ito.

Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:45 kamakalawa ng gabi sa LPC Mini Mart na matatagpuan sa Kalayaan Avenue sa panulukan ng Luzon St., Brgy. Pitogo ng lungsod na ito.

Napag-alaman na sumalakay ang limang armadong kalalakihan sa nabanggit na mini mart. Tatlo sa mga ito ang pumasok at nagpanggap na mga kostumer, habang naiwan naman at nagsilbing look-out ang dalawa pa.

Ilang sandali pa ay nagdeklara na ng holdap at tinutukan ang kahera at saka nilimas ang pera sa kaha. Nagkataon naman na naroon si PO1 Tacata na may binibili matapos ang pagdu-duty.

Dahil sa tawag ng tungkulin agad nitong pinaputukan ang dalawa sa mga suspect na kanyang tinamaan at napatay, subalit sumagot naman nang pagpapaputok ang natitira pang mga suspect at tinamaan ang pulis na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Tatlo sa mga suspect ang tumakas , isa dito ay may tama rin lulan ng isang kulay itim na Toyota Corolla na may plakang XDL-281.

Ilang oras matapos ang insidente natagpuan ang get-away car sa harap ng Ateneo Professional School sa may Rockwell Drive, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-operation laban sa mga pumugang holdaper. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARISTOTLE TACATA

ATENEO PROFESSIONAL SCHOOL

BRGY

ILANG

KALAYAAN AVENUE

LORDETH BONILLA

LUZON ST.

MAKATI CITY

MINI MART

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with