Mababa ang marka, UP student nagbigti
March 13, 2003 | 12:00am
Makaraang mabatid na nagtamo siya ng mababang marka sa semester na ito, nagawa ng isang sophomore honor student sa University of the Philippines (UP) ang magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa comfort room ng tinutuluyan nitong boarding house sa Quezon City.
Nakilala ang nasawi na si Edgar Allan Papena, 18, computer science student at residente ng Barangay Loyola Heights. Quezon City.
Natagpuan itong nakabitin gamit ang isang kable.
Ayon sa source ng pulisya na hindi lamang ito umano ang unang pagkakataon na nagtangkang magpakamatay si Papena.
Labis umanong nalungkot si Papena ng malamang labis ang pagbaba ng kanyang marka sa semester na ito. Nabatid pa na ang nasawi ay naging valedictorian noong magtapos ito ng high school.
Base sa inisyal na ulat na dakong alas-3:45 ng hapon ng matuklasan ng kanyang boardmate na si Jefferson Trinidad ang labi ni Papena sa loob ng comfort room ng boarding house na nakabitin. Wala namang natagpuang anumang suicide note.
Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para tiyaking walang naganap na foul play sa kaso. (Ulat ni Matthew Estabillo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest