^

Metro

1 pang police station sinorpresa ni GMA

-
Nabulabog ang mga kagawad ng Caloocan City police matapos na sorpresang dumalaw noong Lunes ng gabi si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil na rin sa ito umano ang pangalawang lugar sa Metro Manila na may pinakamataas na bilang ng street crimes.

Dakong alas-10 ng gabi ng sorpresang dumating si Pangulong Arroyo sa Sub-Station 1 sa Bagong Barrio at kahit ang lokal na opisyal sa lungsod ay hindi alam na darating ang Pangulo sa kanilang lugar.

Tanging si SPO2 Antonio Paras ang naabutan ng Pangulo at siyang nagpaliwanag at nagpakita dito ng blotter na nagpapatunay na bumaba ang krimen sa lugar na kanilang nasasakupan.

Nagpahayag naman ng katuwaan ang Pangulo dahilan sa nakitang pagbaba ng krimen.

Bagamat wala si Caloocan chief of police Senior Supt. Berjardi Mantele ng dumating ang Pangulo, gayunman agad-agad itong dumating sa presinto at iniharap sa Pangulo ang isang briefing paper ukol sa crime statistics maging ang ginagawang programa ng himpilan para malutas ang mga kriminalidad.

Nasiyahan naman ang Pangulo sa kahandaan ng istasyon at tinugunan ang kanyang direktiba.

Ito ang pangalawang sorpresang pagdalaw ng Pangulo sa istayon ng pulisya sa Metro Manila, ang una ay sa isang istasyon sa WPD. (Ulat nina Gemma Amargo at Lilia Tolentino)

ANTONIO PARAS

BAGONG BARRIO

BERJARDI MANTELE

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

LILIA TOLENTINO

METRO MANILA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with