^

Metro

Teachers sa Marikina City High School nag-mass leave

-
Tuluyang naparalisa ang klase sa isang eskuwelahan sa Marikina City matapos na sabay-sabay na mag-mass leave ang kanilang mga guro kahapon.

Kasabay nito, hiniling ng nagsisipag-protestang 65 guro ng Marikina City National High School sa Department of Education (DepEd) ang agarang pagpapatalsik sa kanilang principal na si Lagrimas Garcia.

Ayon kay Marikina City Schools Division Administrator Claro Capco, bunga ng hindi mapigilang pagli-leave ng mga guro ay napilitan na lamang magsiuwi ang tinatayang mahigit 3,000 estudyante sa nasabing eskuwelahan na matatagpuan sa Brgy. Concepcion Uno ng lungsod.

Nabatid na sinampahan ng mga guro ng kasong administratibo si Garcia dahil sa umano’y pagmamanipula sa kooperatiba sa canteen na ipinamahala nito sa kanyang mga kamag-anak simula pa noong Disyembre ng nagdaang taon.

Sinabi ng nagsisipag-protestang mga guro na nagsipag-picket sa labas ng eskuwelahan na dapat umanong patalsikin si Garcia dahil sa paglabag sa Section 7 ng Republic Act 8713 o ang pagbabawal na magsagawa ng anumang transaksyon para sa personal na interes.

Inihayag pa ni Capco base sa isinumiteng leave of absence ng mga guro sa nasabing eskuwelahan na hanggang Marso 12 sila hindi papasok sa trabaho.

Nagbanta rin ang mga guro na hindi sila titigil sa pagra-rally hangga’t hindi napapatalsik sa posisyon si Garcia. (Ulat ni Joy Cantos)

CONCEPCION UNO

DEPARTMENT OF EDUCATION

GARCIA

GURO

JOY CANTOS

LAGRIMAS GARCIA

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

MARIKINA CITY SCHOOLS DIVISION ADMINISTRATOR CLARO CAPCO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with