BPI sa QC hinoldap
March 11, 2003 | 12:00am
Hinoldap ng anim na kalalakihang armado ng matataas na kalibre ng baril ang isang sangay ng Bank of Philippines Islands (BPI) kung saan natangay ang hindi pa mabatid na halaga ng salapi, kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Dakong alas-12:30 ng tanghali nang pasukin ang bangko na matatagpuan sa may Laong Laon malapit sa Sto. Domingo Church.
Batay sa ulat, isa sa mga suspect ang unang pumasok sa bangko na nagpanggap na kostumer, kasunod na ang iba pang suspect na agad na nagdisarma sa mga guwardiya hanggang tuluyan nang idineklara ang holdap.
Mabilis na inutusan ng mga ito ang mga teller na ilagay sa isang bag ang lahat ng pera at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas lulan ng isang Honda Civic at kulay pulang Toyota Revo.
Ilang minuto pa ang nakalipas at narekober ng pulisya ang get-away vehicle ng mga suspect ang Toyota Revo sa panulukan ng Kanlaon at Cordillera Sts. at sa loob nito ay narekober ang isang M-203 grenade launcher.
Bagamat walang iniulat na nasawi at nasugatan sa naturang holdap, malaking halaga umano ang natangay ng mga suspect.
Patuloy pang nagsasagawa ng follow-operation ang pulisya upang matukoy kung sinong grupo ang nagsagawa ng panghoholdap. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest