^

Metro

Japanese national inaresto sa estafa

-
Isang Japanese national ang inaresto ng pulisya makaraang ireklamo ito ng estafa ng isang taxi driver na pinangakuan niya ng trabaho sa Japan kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Ang inaresto ay nakilalang si Ken Ichi Yoshida, 51, at pansamantalang tumutuloy sa #557 Tanglaw St., Barangay Plainview ng nasabing lungsod.

Ayon sa reklamo ni Mr. Alex Livara, taxi driver, ng Bagombong, Caloocan City, hiningan umano siya ni Yoshida ng P12,000 upang ayusin umano nito ang kanyang Visa para makapagtrabaho sa Japan ilang buwan na ang nakakaraan.

Napilitan umano siyang magharap ng reklamo sa Mandaluyong police matapos tumanggi ang Hapones na ibalik na lamang sa kanya ang naibigay niyang pera dahil hanggang ngayon ay hindi pa naman naaayos ang kanyang visa.

Inaresto ng mga awtoridad si Yoshida dahil sa reklamo ng taxi driver hanggang sa napilitang ibalik ng Haponese ang perang kinuha nito kay Livara dahil takot na makulong.

Samantala, iginiit naman ng film producer na si Radelia Sy na hindi siya swindler o estapadora gaya ng ipinagkakalat ng isang mag-asawang may-ari ng paaralan sa Quezon City.

Sinabi ni Sy, siya ang nagharap ng ibat ibang estafa cases sa mga taong nanloko sa kanya at hindi siya ang inakusahan ng panloloko.

Nanawagan din ang film producer sa mga mamamahayag na huwag magpagamit ang mga ito sa mga nais manira sa kanyang pagkatao.

Lubhang naapektuhan si Sy sa mga naglabasan sa ibat ibang pahayagan kung saan ay inakusahan siyang estafa queen gayung siya ang nagsampa ng mga demanda sa nanloko sa kanya. (Ulat nina Joy Cantos at Rudy Andal)

BARANGAY PLAINVIEW

CALOOCAN CITY

ISANG JAPANESE

JOY CANTOS

KEN ICHI YOSHIDA

MANDALUYONG CITY

MR. ALEX LIVARA

QUEZON CITY

RADELIA SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with