^

Metro

Protektor ng vendors kasuhan – Fernando

-
Hiniling kahapon ni Senator Ramon Magsaysay Jr. sa Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na itigil nito ang pagpapatupad ng excise tax sa mga Asean Utility Vehicles (AUVs) dahil baka maging sanhi ito ng panibagong pasanin ng mamamayan.

Sinabi ni Sen. Magsaysay, kapag ipinatupad ang excise tax na ito ay tataas ng 35-50 porsyento ang halaga ng AUVs kaya ang dating P700,000 na halaga nito ay magiging P1 milyon.

Wika pa ni Magsaysay, kapag tumaas ang presyo ng AUVs sa bansa ay baka wala ng bumili nito at mangangahulugan ito ng pagbabawas sa trabahador mula sa pagawaan ng sasakyan.

Iginiit pa ng senador, dahil naman sa pagbibigay ng tax exemptions ni Finance Sec. Jose Isidro Camacho sa Honda CRV noong nakaraang taon ay nawala sa kaban ang may P1.5 bilyong buwis gayung hindi naman AUV o 10-seater passenger vehicle ito kundi sports car.

Aniya, dapat tuluyang ibasura ng DOF at BIR ang plano na ipatupad ang Revenue Regulations na ito dahil dagdag na pahirap lamang ito sa industriya na nagmamanupaktura ng local na AUV’s at posibleng maging dahilan para magkaroon ng dagdag na pamasahe dahil ang mga AUVs na ito ay ginagamit sa mass transportation ng taumbayan. (Ulat ni Rudy Andal)

ASEAN UTILITY VEHICLES

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF FINANCE

FINANCE SEC

JOSE ISIDRO CAMACHO

MAGSAYSAY

REVENUE REGULATIONS

RUDY ANDAL

SENATOR RAMON MAGSAYSAY JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with