Ret. colonel nasamsaman ng matataas na kalibre ng baril
March 5, 2003 | 12:00am
Isang retiradong colonel ng AFP ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-iingat ng matataas na kalibre ng baril at mga bala.
Nakilala ang dinakip na suspect na si Cenon Pascual, 60, ng 780 Sta. Catalina St., San Antonio, Biñan, Laguna, samantalang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang kasamahan nitong si Jose Gary Almendrala.
Si Pascual ay inaresto matapos magbigay impormasyon sa pulisya ang dalawang dating houseboy ng suspect tungkol sa pag-iingat nito ng matataas na kalibre ng mga baril at bala.
Kaagad na bineripika ng NBI sa Firearms and Explosives Division sa Camp Crame at nadiskubre na hindi lisensiyado at awtorisado na magdala at mag-ingat ng baril si Cenon.
Nadiskubre pa ng NBI na maimpluwensiya sa kanilang lugar ang suspect kung kayat nakapag-iingat ito ng malalakas na kalibre ng armas at mga bala.
Napasok ang imbakan ng baril ni Cenon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Dolores Espanol ng Dasmariñas,Cavite RTC.
Nasamsam mula rito ang isang M16 rifle, isang kalibre . 45 baril at mga bala.
Nabigo si Pascual na maipakita ang kaukulang dokumento sa mga nasamsam na baril. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest