Sugapa sa 'tong-it' na mister, inireklamo ni misis
March 5, 2003 | 12:00am
Makaraang pagsabihang tumigil na sa pagto-tong-it, isang mister ang nagwala at ginulpi ang kanyang misis at ang limang-taong gulang na anak na lalaki sa Makati City.
Nakilala ang inireklamong mister na si Rolly Rosal, 37, nakatira sa #355 Homonhon St., Brgy. Pitogo, ng lungsod na ito.
Ang mga biktima ay nakilala namang sina Lydia Egot Rosal, 37, empleyada, at Miguelito Rosal, kapwa residente ng nabanggit na lugar, ang mga ito ay nagtamo ng pasa at bukol sa kanilang katawan.
Sa naging reklamo kahapon ng ginang kay SPO4 Rellie Go, hepe ng Womens, Children Protection Desk Unit, Makati City Police, madalas umano silang gulpihing mag-ina ng suspect kung saan ang kanilang anak ay hinataw ng matigas na bagay.
Nabatid sa ginang na nagalit ang suspect dahil madalas niya itong pinagsasabihan na tumigil na sa pagto-tong-it.
Dahil kapos na aniya sila sa budget, pinangsusugal pa nito ang perang kanyang binibigay na dapat sana ay mapunta sa kanilang pagkain.
Ito ang naging dahilan upang magtungo ang ginang sa nabanggit na himpilan ng pulisya upang ipagharap ng reklamo ang sariling asawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended