^

Metro

4 Chinese drug traffickers, arestado

-
Naaresto ng mga tauhan ng Central Police District ang apat na Chinese na pinaniniwalaang mga big-time drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kamakailan.

Nakilala ang mga dinakip na sina Dy Chin Hu, 49; Yu Go Bun, 47; Dexter Tan, 50 at Choi Wei Nen, 50.

Batay sa ulat, nadakip ang mga suspect matapos ang isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng SM North sa EDSA, Quezon City.

Nasamsam sa mga ito ang may 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Bukod dito, nasamsam din sa mga nabanggit ang isang Mitsubishi L-300 van na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang ilegal na gawain.

Ayon sa ulat, matagal na umanong minamanmanan ng mga awtoridad ang kilos ng mga suspect hanggang sa makumpirma nila ang impormasyon na sangkot ang mga ito sa bentahan ng droga.

Dahil dito, isang operasyon ang inihanda ng mga awtoridad na dito nahulog sa bitag ang mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHOI WEI NEN

DEXTER TAN

DORIS FRANCHE

DY CHIN HU

MITSUBISHI L

QUEZON CITY

YU GO BUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with