Hapones biktima ng 'Harurot Gang'
March 4, 2003 | 12:00am
Muling sumalakay ang mga miyembro ng kilabot na Harurot Gang nang biktimahin ng mga ito ang isang turistang Hapones, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Manila.
Si Sadachika Kawakami, 30, tubong Tokyo, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa Rm. 930 Holiday Inn sa UN Ave., Ermita, Maynila ay lulugu-lugong dumulog sa Western Police District (WPD) matapos na madiskubre ang nasabing insidente.
Dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Barrio Fiesta restaurant sa M. Adriatico St. na nasabing lungsod.
Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima nang biglang tumigil ang dalawang kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa harapan nito at biglang hinablot ang kanyang Louis Vuitton na shoulder bag na naglalaman ng digital camera, Sony camera at cash na umaabot sa halagang P200,000.
Matapos ang panghahablot ay mabilis na tumakas papalayo ang mga hindi nakikilalang suspect na sakay ng motorsiklo. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended