^

Metro

75-anyos na lolo arestado sa panghahalay

-
Halos mawala sa sarili ang isang 15-anyos na dalagita makaraang pagsamantalahan ng kanyang 75-anyos na amain sa Navotas.

Kasalukuyang nakakulong at nahaharap sa kasong panggagahasa ang suspect na si Eusebio Perales, ng Tabing-Dagat, Daang Hari ng nasabing bayan.

Itinago naman ang biktima sa pangalang Alice, 1st year school, ng Brgy. Ibaba, Malabon City.

Ayon kay PO1 Arlene Odsinada, may hawak ng kaso, dakong alas-2 kamakalawa ng hapon ng dakpin ang suspect sa mismong tahanan nito.

Sa pahayag ng lola ng biktima na si Asuncion Tano, 60, na Pebrero 15, 2003 ay nagkaroon ng pakikipagtalo ang kanyang apong si Alice sa isa niyang anak dahilan upang umalis ito ng bahay at magtungo sa kanyang ina at sa kinasama nitong si Perales.

Makaraan ang isang linggo ay nalaman ni Aling Asuncion mula sa isang kaklase ng biktima na palaging tulala ang kanyang apo.

Nang puntahan ito ni Aling Asuncion ay isinumbong ng biktima ang ginawang pagsasamantala sa kanya ng kanyang amain. Dalawang ulit umano siyang hinalay ng amain noong nakalipas na Pebrero 22.

Dahil dito, agad na isinama ni Aling Asuncion ang apo sa himpilan ng pulisya upang magreklamo kasunod nito ang ang pagdakip sa amaing si Perales. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALING ASUNCION

ARLENE ODSINADA

ASUNCION TANO

AYON

DAANG HARI

EUSEBIO PERALES

MALABON CITY

PEBRERO

PERALES

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with