^

Metro

Presidente ng asosasyon itinumba

-
Palaisipan ngayon ng pulisya ang pagkakapatay sa isang presidente ng Jeepney Driver’s Association nang bigla na lamang pagbabarilin ng isang hinihinalang hired killer sa 10th Avenue, Caloocan City kahapon ng umaga.

Namatay noon din ang biktima na si Gabriel Angeles alyas "Bokbok", 54, pangulo ng 10th Avenue Jeepney Driver’s Association, nakatira sa 39 Aglipay St., nasabing lugar bunga ng dalawang tama ng baril sa kaliwang dibdib.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng pulisya laban sa suspect na tinatayang nasa edad na 30-40, may taas na 4’11’’, katamtaman ang pangangatawan at kalbo.

Ayon sa pulisya, dakong alas-6 ng umaga sa kahabaan ng Gonzales St, nang maganap ang insidente.

Nauna rito, bandang alas-5 ng umaga pa lamang ay napansin na ang suspect na nakaupo sa isang nakaparadang owner type jeep malapit sa bahay ng kamag-anak ng biktima.

Nang lumabas ang biktima sa bahay ng isa nitong kamag-anak ay agad na nilapitan ng suspect at magkasunod na pinaputukan. (Ulat ni Rose Tamayo)

AGLIPAY ST.

AYON

BOKBOK

CALOOCAN CITY

GABRIEL ANGELES

GONZALES ST

ISANG

NAMATAY

NANG

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with