Pamangkin ni DOJ Usec Teehankee, arestado sa panunutok ng baril
March 2, 2003 | 12:00am
Nadakip ng pulisya ang isang 25-anyos na binata na sinasabing pamangkin ni DOJ Undersecretary Emmanuel Teehankee habang nasa impluwensiya ng alak makaraang magwala at tutukan ng baril ang apat na obrero, kahapon ng umaga sa Makati City.
Nakilala ang suspect na si Robert Manuel Teehankee ng Barangay Dasmariñas Village ng lungsod na ito.
Nakilala naman ang mga tinutukan nito na sina Dencio Nonalda; Renan Rabanal; Roberto Aguillon at Berlin Bambilla, pawang taga-Sta. Rosa, Laguna.
Base sa ulat naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga sa may Makati Avenue.
Nabatid na kasalukuyang naghahakot ng mga gamit ang mga biktima nang bumaba naman sa kanyang sasakyan ang suspect para umihi. Kasama pa umano ng suspect ang mga bodyguard nitong pulis na nakatalaga sa CIDG.
Nakita umano ng suspect ang mga biktima at dahil sa labis na kalasingan, nagwala at tinutukan nito ng baril ang apat sa hindi malamang dahilan.
Isang tricycle driver ang nakasaksi sa insidente na humingi ng tulong sa pulisya.
Sa pagresponde ng mga pulis naabutan pa ng mga ito ang panunutok ni Teehankee sa apat. Narinig pa itong sinabi ang: "Isang putok lang kayo".
Mabilis na dinakip ang suspect at nakumpiska dito ang isang .9mm na baril at mga bala. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am