Buntis na-sandwich ng 2 tren, napugutan

Isang apat na buwang-buntis ang napugutan makaraan mapagitna sa dalawang rumaragasang tren, kahapon sa Taguig.

Nakilala ang nasawi na si Marilyn Nebrida, 36, residente sa Benhur Site, isang squatter area sa may riles ng tren sa Western Bicutan, Taguig.

Nabatid na ang trahedya ay naganap dakong alas-9 ng umaga habang ang isang tren na papuntang Divisoria Manila at isa pa na pa-northbound ay sabay na dumaan sa riles.

Ang biktima sa hindi malamang dahilan ay sinasabing nasa gitna ng dalawang riles ay napalaman sa dalawang rumaragasang tren.

Natanggal ang ulo at isang kamay nito na humagis pa ng may ilang metro. (Ulat ni Marvin Sy)

Show comments