^

Metro

Lider ng multi-milyong pyramid scam, arestado

-
Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang lider ng isang investment firm na sangkot sa pyramid scam na humakot na ng bilyong piso sa libu-libong biniktima nito.

Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ang suspect na nakilalang si Maria Teresa Santos, isa sa itinuturing na most wanted personality sa bansa na may-ari ng Maria Teresa Santos Trading Inc.

Nabatid na dakong alas-6:30 kahapon ng umaga nang maaresto ang suspect sa isinagawang operasyon sa Metro North Apartelle sa EDSA, Quezon City.

Sa rekord ng pulisya, lumalabas na may tatlong taon nang nagsasagawa ng operasyon ang MTST kung saan umaabot na sa limang bilyon ang kabuuang halaga na nalikom nito sa mga nabiktima niyang investors. Karamihan sa mga biniktima nito ay mga pulis, militar, ahente ng NBI , mga artista hanggang sa ordinaryong sibilyan.

Napag-alamang ang minimum investment ng isang sasapi ay hindi bababa sa P100,000 na ito umano ay tutubo ng mula 15 hanggang 20 porsiyento kada buwan. Sa unang tatlong buwan umano ay ibibigay sa mga biktima ang tubo, subalit pagkatapos nito ay mag-iisyu na lamang si Teresa ng tseke na pawang tumatalbog na sa bangko.

Nauna nang naaresto ang anim na kasabwat nito kabilang ang kanyang anak na si Vanessa Santos Manalastas na tumatayong manager ng kompanya.

Samantala, apat na katao pa ang tinutugis ng mga awtoridad kabilang ang asawa ni Teresa na nakilalang si SPO1 Orlando Santos na dating tauhan ng Marikina City Police na napag-alamang AWOL sa serbisyo simula pa noong Nobyembre.

Napag-alaman na si Teresa ay matagal nang isinailalim sa surveillance at sinusundan ng mga tauhan ng pulisya simula pa sa Zambales patungong Baguio City hanggang sa tuluyang maaresto sa Quezon City. (Ulat ni Danilo Garcia)

BAGUIO CITY

DANILO GARCIA

MARIA TERESA SANTOS

MARIA TERESA SANTOS TRADING INC

MARIKINA CITY POLICE

METRO NORTH APARTELLE

NAPAG

QUEZON CITY

TERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with