^

Metro

8 kinarap na luxury cars, nabawi

-
Walong luxury cars na pinaniniwalaang carnap vehicles ang nabawi ng mga tauhan ng Central Police District operatives mula sa isang compound sa New Manila, Quezon City.

Sa press conference na ginanap kahapon sa Camp Karingal, nabatid na ang mga nabawing kotse ay kinabibilangan ng MB100; four-door Nissan Sentra; BMW; Range Rover; Pajero; Honda V-tech; Mitsubishi pick-up van at Honda Civic na may diplomatic plate ng DC 6408.

Ayon kay CPD director Senior Supt. Napoleon Castro, ang mga nasabing sasakyan ay nakuha sa compound na pag-aari ni Ma. Elena Lim sa 33 Doña Juana Rodriguez Avenue, New Manila, Quezon City. Ito ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 6539 o anti-carnapping law.

Pinasok ng mga operatiba ang compound sa bisa na rin ng search at arrest warrant matapos na makatanggap sila ng impormasyon na maraming luxury cars ang ipinapasok ng naturang compound.

Inimbitahan din ng pulisya sina Jose Mayor at Faith Bahala, kapwa stay-in carwash boy upang kuwestiyunin sa umano’y aktibidades ni Lim.

Samantala, iniimbestigahan din ng pulisya ang umano’y modus operandi ng ilang may-ari ng sasakyan na kadalasang nagdedeklara na kinarnap ang kanilang mga behikulo.

Ayon kay NCRPO chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco na may natanggap din silang impormasyon na tungkol sa modus operandi na ‘carnap me’. Ito ay tumutukoy sa mga idineklarang kinarnap na behikulo na kadalasang ang may-ari mismo ang gumagawa nito.

Kadalasan ginagamit na loan ang mga sasakyan sa casino at saka idinedeklarang nakarnap ito habang nagsusugal.

Posibleng may sindikato rin umanong sangkot sa pagpapatakbo nito. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

CAMP KARINGAL

CENTRAL POLICE DISTRICT

DORIS FRANCHE

ELENA LIM

FAITH BAHALA

HONDA CIVIC

HONDA V

NEW MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with