^

Metro

2 drug nadakip: 1 kilo shabu nasamsam

-
Isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P2 milyong piso ang nakumpiska ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) kasabay ng pagkakadakip sa dalawang suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Iniharap nina QC Mayor Feliciano Belmonte Jr. at NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco ang mga nadakip na suspect na sina Rashid Mangtoma, 39, at Mike Steve, 18.

Ayon sa ulat ng pulisya isinagawa ang operasyon mismo sa bahay ng mga suspect.

Nasa aktong tinatanggap ng mga suspect ang inihandang marked money kapalit ng isang kilo ng shabu nang dakmain ang mga ito ng mga kagawad ng pulisya.

Nasamsam din sa mga suspect ang isang Honda V-tech na may plakang WGJ 121 na pinaniniwalaang ginagamit ng mga ito sa operasyon ng droga. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

CENTRAL POLICE DISTRICT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

DORIS FRANCHE

HONDA V

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

MIKE STEVE

QUEZON CITY

RASHID MANGTOMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with