4 na bebot miyembro ng 'Ativan gang', tiklo
February 27, 2003 | 12:00am
Apat na kababaihan na pinaniniwalaang miyembro ng Ativan gang ang dinakip ng mga tauhan ng Western Police District matapos na tangkaing biktimahin ng mga ito ang isang Czech national, kamakalawa ng gabi sa Malate, Manila.
Personal na nagharap ng reklamo ang biktimang si David Heide, 29, pansamantalang naninirahan sa Juanes Palace, Malate, Manila.
Nakilala naman ang mga nadakip na suspects na sina Agnes Curispe Aguilar, 22; Melanie Aquino, 42; Baby Santis,48 at Aurora Balais Insignim 48.
Nabatid sa ulat ng pulisya na dakong alas-12 ng hatinggabi habang naglalakad ang biktima sa Rizal Park ay nilapitan ito ng suspect na si Aguilar kung saan ay inalok ito ng kendi na nakabalot sa plastic.
Habang inaalok ang biktima ay lumapit pa ang tatlong kasamahang suspects kung saan nilibang ang biktima para kanin ang kendi na pinaniniwalaang may halong droga.
Tiyempo naman na may nakakitang mga pulis sa isinasagawang modus operandi ng mga suspect sa dayuhan kung kaya lumapit ang mga ito.
Hindi na nagawa pang makatakas ng mga suspect habang ipinaliwanag naman ng mga pulis sa biktima na may halong droga ang inaalok na kendi ng mga babae.
Laking pasalamat naman ng biktima dahil napigilang makulimbat ng mga suspect ang kanyang $500 at Nikon camera na nagkakahalaga ng $200. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended