^

Metro

10 counts ng rape sa CAT instructor

-
Nahaharap ngayon sa kasong 10 counts ng rape sa Quezon City Prosecutor’s Office ang isang instructor ng Citizens Army Training (CAT) makaraang paulit-ulit nitong gahasain ang isang estudyante.

Ang suspect na si Archilles Mariano, alyas Mike, 22, may-asawa, CAT instructor sa Ernesto Rondon High School ay ipinagharap ng reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Olive, 16.

Ayon sa sumbong ng biktima matagal na umano siyang pinagsasamantalahan ng suspect sa magkakahiwalay na insidente sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Pag-asa, Quezon City.

Tinatakot pa umano siya nito na ibabagsak sa klase kung hindi papayag sa kanyang pagnanasa.

Dahil na rin sa hirap ng loob na dinaranas, ipinasya ng biktima na magsumbong sa kanyang ina matapos ang huling panggagahasa, kamakalawa ng gabi.

Agad namang nagsumbong sa pulisya ang mag-ina kasunod ang isinagawang pagdakip sa suspect. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ARCHILLES MARIANO

AYON

CITIZENS ARMY TRAINING

DAHIL

DORIS FRANCHE

ERNESTO RONDON HIGH SCHOOL

NAHAHARAP

PAG

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with