Royette Padilla nang-1-2-3 sa restaurant
February 26, 2003 | 12:00am
Muli na namang nalagay sa kontrobersiya si Royette Padilla, ang nakakatandang kapatid ng Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla makaraang hindi nito bayaran ang ininom sa isang restaurant sa Quezon City.
Ayon sa ulat ng pulisya, pumasok sa Tikyo Restaurant and Beerhouse sa Commonwealth Avenue si Royette kasama ang dalawa pang kaibigan.
Alas-8 ng gabi nang magsimulang mag-inuman ang mga ito at inabot hanggang ala-1:45 ng madaling- araw.
Ayon kay Juliet Socoro, floor manager sa nasabing restaurant na inakala niyang pupunta lamang sa comfort room si Padilla kung kayat pinabayaan niya ito.
Nagsimula siyang magduda nang mawala na rin sa mesang pinag-iinuman ni Royette ang dalawa pa nitong kasama.
Umabot sa P4,108.00 ang bill ng ininom ng grupo ni Royette na hindi binayaran at tinakbuhan. Kasong estafa naman ang inihahanda laban dito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended