^

Metro

42 taon sa pulis na pumaslang sa kapwa parak

-
Hinatulan kahapon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ng 42 taong pagkakabilanggo ang isang pulis na pumaslang ng kapwa nito pulis, paglabag sa Comelec gun ban at carnapping na naganap noong Abril 2001.

Sa ipinalabas na desisyon ni Pasig RTC Branch 166 Judge Jesus Bersamina, pinatawan ng 21 taong pagkakabilanggo ang akusadong si PO2 Renato Pineda sa pagpaslang sa biktimang si PO3 Salcedo Acnam at pinagbabayad ng P2.23 M bilang death, moral damages, gayundin sa paglabag sa gun ban.

Karagdagan ring 21 taon ang ipinataw kay Pineda para naman sa kasong carnapping .

Nabatid sa rekord ng korte na naganap ang insidente noong Abril 29, 2001 kung saan si Pineda ay dumalo sa isang kaarawan ng kaibigan na nakilala sa pangalang Melchor Arnaki sa Camp Bagong Diwa Bicutan.

Habang nag-iinuman ay bigla umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa ng aksidente umanong mailaglag ni Pineda ang mikropono na pag-aari naman ni Acman.

Agad umanong kinuha ng akusado ang .38 caliber na baril at pinagbabaril ang biktima na hinabol pa nito nang magtatakbo palabas.

Samantalang nag-ugat naman ang kasong carnapping nang itakas ni Pineda ang isang motorsiklo habang papatakas sa pinangyarihan ng krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

ABRIL

ACMAN

CAMP BAGONG DIWA BICUTAN

JOY CANTOS

JUDGE JESUS BERSAMINA

MELCHOR ARNAKI

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

PINEDA

RENATO PINEDA

SALCEDO ACNAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with