^

Metro

Maid nagmasaker sa 2 amo, arestado

-
Dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang isang 42-anyos na katulong na sinasabing sangkot sa pagnanakaw at pagpaslang sa kanyang mga amo, kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Kinilala ni Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police ang dinakip na suspect na si Salvacion Malubay, tubong Cagayan de Oro, naninilbihang katulong sa mag-asawang biktima na sina Primo, 63, at Catalina Espiritu, 55, ng Ilang-Ilang St., Sitio Matatdo, Greenheights Subdivision, Barangay San Isidro ng lungsod na ito.

Nabatid sa pulisya na ang mga alahas ng mga biktima ay nakuha mismo sa suspect kaya kaagad nila itong dinakip.

Habang iniimbestigahan ang suspect, wala itong maisagot sa mga pulis kung kaya’t naghinala ang pulisya na may malaki itong kinalaman sa krimen.

Magugunitang natagpuang patay sa loob ng kanilang kuwarto ang mag-asawang biktima at wala ang mahahalagang gamit at alahas ng mga ito.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon para alamin kung sino pa ang posibleng kasabwat ni Malubay sa naganap na krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY SAN ISIDRO

CATALINA ESPIRITU

CITY POLICE

DINAKIP

GREENHEIGHTS SUBDIVISION

ILANG-ILANG ST.

LORDETH BONILLA

RONALD ESTILLES

SALVACION MALUBAY

SITIO MATATDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with