Ginang inatake sa puso dahil sa putok ng baril
February 24, 2003 | 12:00am
Namatay ang isang ginang makaraang atakihin sa puso bunga ng umanoy walang habas na pagpapaputok ng mga matataas na kalibre ng baril ng mga miyembro ng Parañaque Maritime Police sa Navotas, Metro Manila.
Kinilala ni Navotas Police chief Supt. Billy Baldemor Beltran, ang biktima na si Lucia Verginio ng Tabing Dagat, Davila St. Navotas West ng nabanggit na bayan.
Nabatid na kasalukuyang nakadungaw sa bintana dakong alas 8 kahapon ng umaga ang biktima nang dumating ang mga miyembro ng Parañaque Maritime Police mula sa Cavite na pawang mga armado ng M-16 rifle, M203 launcher at dalawang caliber .45.
Bigla umanong pinaputukan ng mga pulis ang isang fishing boat na nakadaong sa harapan ng bahay ng biktima na naging dahilan upang atakihin ito sa puso at mamatay.
Ayon kay Beltran, pinaputukan ng mga suspect ang nasabing fishing boat dahil sa ginagamit ito sa dynamite fishing ng isang nagngangalang Bugnan Navales alyas Buboy at Nono na kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Gayunman, inutos pa rin ni Beltran ang masusing imbestigasyon upang malaman ang motibo ng pamamaril ng mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended